About Me

A native of Dumaguete City, the City of Gentle People. Gentle as I am, I'm a bit considerate,  patient and hardworking. Passionate by lifestyle, I was awarded Most Outstanding Student Leader, Best Rebuttal Speaker, among others.


Bawat isa sa atin ay may tinatagong sekreto.

Marahil ay isang hamak na binata ka lang tulad ko, o isang anak ng mayamang tulad ng mga Zobel, Cojuanco o Ayala. Mapasinuo ka man--ikaw at ako'y kapwa may sikretong tinatago. Isa itong sikreto na maaring pilit mong kinukubli sa lipunan dahil sa ayaw mong malaman nila ang iyong mga natatangi at nakakahangang galing o nagawa para sa sarili, o sa kapwa; o marahil ay isang sikretong ayaw mong mabulgar at ayaw mong madungisan ang iyong pagkatao.

Katulad mo, ako'y mayroon ding mga bagay na mas minabuti kong manatiling lihim na lamang. Marahil ay mas nakakatulong para sakin ang manatiling tago ang lahat ng mga ito--sapagkat nais kong walang makakaalam sa mga kakilala ko.

Kung anuman ang mga sikretong ito ay ikaw lamang na bumabasa nito, at sa marami pang bumabasa ang nakakaalam. Minabuti kong manatiling ganito nang sa gayon ay malaya ako kahit sa ganitong pamamaraan. Dito sa pagsusulat ay nahanap ko ang aking kaibigan; may tunay na nakikinig, at aking karamay.

Ako pala ay si Junjun. Iyan ang madalas nilang tawag sakin. Light moreno ang pangangatawan, at medyo pala-kaibigan. Madalas ako'y tahimik at hindi sumasali sa mga gimmick ng mga katrabaho--maging nung nasa kolehiyo pa lang ay ganito na talaga ako--mayroong sariling mundo. Hindi naman sa mayabang ako o ano, ngunit maipagmamalaki ko ang chinito kong mga mata. Hindi ako kasingwapo ng mga kakilala ko, ngunit maipagmamalaki ko pa rin na ganito ako--hindi, gwapo, hindi pangit--sakto lang talaga. Maliiit ang aking pangangatawan na proportion talaga sa aking tangkad--5'3.

Madalas akong nag-iisa. Kung minsan ay mapagkakamalang suplado ngunit ganito lang po talaga ako. Suyuin mo nalang, at malalaman mong sa kalaunan ay masarap din naman palang kaibigan.

Salamat sa pagbabasa! NAwa ay magugustuhan ninyo ang blog kong ito.

2 comments:

  1. Cool, looking forward to be ur friend bro

    ReplyDelete
  2. IM CHINITO MAY DIMPLES MAPUTI NICE EYES LIPS TEETH 5 9 135 09204089906 FOR SER REL/SOP/SEB NO LNDLINE NO REPLY

    GALING NG TAPING FOR SERIOUS RELATION/SOP/SEB SEND UR LNDLINE 09204089906 NO LANDLINE NO REPLY

    NEED KAUSAP SA LANDLINE AT YUNG MAGBIBIGAY NG LANDLINE 09204089906 FOR SER REL

    ReplyDelete

Salamat sa iyong feedback, hanggang sa muli!