Saturday, May 18, 2013

Paunang Dahon

Isang Paunawa


Madalas sa aking pag-iisa ay nauunwaan ko ang aking pagkatao. Naunawaan ko kung anong mga bagay ang nakakapagpasaya sa akin, at kung ano naman ang siyang nakakapag-udyk ng lungkot.

Bilang isang anak, laging nakatatak sa aking puso't diwa ang aking mga tungkulin na dapat gaganapin sa aking pamilya. At masaya naman na ako dahil nagagampanan k naman ang aking responsibilidad bilang haligi ng tahanan simulat sapul nung pumanaw ang aking ama. Sa katunayan, masaya ako at naaliw sa tuwing naiisip ko ang mga maliligayang alaala nung kapiling ko pa ang aking pamilya.

Bilang isang binata, naranasan ko na rin ang mag-alaga sa aking sarili--kung paano magsusuot ng mga damit, paano naglalagay ng gel sa buok, gumamit ng perfume at mga pabango. Sa kabila ng lahat ay may kulang sa akin--bagay na hinahanap-hanap ko pa rin maging hanggang ngayon.

 Ang buhay ko ay masalimuot, ma-adventure, makulay. Samahan n'yo ako sa aking paglalakbay bilang isang TRIPPER! 

 Judge me not, as who I am...BUT love me for being true to myself.


No comments:

Post a Comment

Salamat sa iyong feedback, hanggang sa muli!